SUBPOENA LABAN KAY BANTAG INILABAS NA !

Nagpalabas na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) para kay suspended Bureau of Corrections Director Gerald Bantag.

"Consolidated na 'yung tatlong kaso. And in all likelihood... today maglalabas siya [DOJ] ng subpoena," ani Malcontento kanina sa media.


"The next step is for the panel to issue a subpoena to hold the other respondents."

Ito ang kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na ipinapatawag na ng panel of prosecutors para humarap sa preliminary investigation.
Magugunitang si Bantag ay inakusahang nag-utos na patayin ang radio broadcaster na si Percy Lapid.

Noong nakaraang Lunes ay pormal na siyang sinampahan ng reklamong murder sa DOJ, pati na rin ang kanyang tauhan na si Senior Jail Officer 2 Ricardo Zulueta.

Matapos maglabas ang subpoena, gugulong na ang preliminary investigation sa reklamong inihain laban kina Bantag. Dito, mabibigyan sila ng pagkakataong mag-submit depensa sa pamamagitan ng counter-affidavits.

Ayon kay Malcontento, pinapaharap sa DOJ si General Bantag sa November 23, 2022.



"The next step is for the panel to issue a subpoena to hold the other respondents."

Ito ang kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na ipinapatawag na ng panel of prosecutors para humarap sa preliminary investigation.
Magugunitang si Bantag ay inakusahang nag-utos na patayin ang radio broadcaster na si Percy Lapid." />

Linggo lang nang sabihin ni Bantag na wala siyang planong sumuko sa otoridad hangga't walang inilalabas na warrant of arrest o subpoena laban sa kanya.

Matatandaang sinuspindi si Bantag nitong Oktubre matapos mamatay ang isa sa mga itinuturong "middleman" sa pagpatay kay Lapid habang nasa loob ng New Bilibid Prison.

Naniniwala naman si Pangulong Bongbong marcos na "nagtayo" ng sariling kaharian ang suspendidong hepe ng BuCor sa loob ng Bilibid habang nangyayari ang lahat ng ito.

Post a Comment

Previous Post Next Post