MATAPOS Si LEGARDA, RAFFY TULFO BINARA Si CYNTHIA VILLAR NAGKASAGUTAN BINURA ANG PLANO !

HALA KA MATAPOS Si LEGARDA, RAFFY TULFO BINARA Si CYNTHIA VILLAR NAGKASAGUTAN BINURA ANG PLANO !


NAPUNTA sa mainit na debate sa pagitan ni Senador Cynthia Villar at Senador Raffy Tulfo ang deliberation sa budget ng Department of Agriculture (DA).

Sa pagtalakay sa panukalang 2023 budget ng DA, kinuwestiyon ni Tulfo ang DA kung ano ang ginagawa ng ahensya sa lumiliit na mga lupang sakahan dahil binibili ng mga malalaking developer at ginagawang residential at commercial area.


Pinalagan naman ni Sen. Cynthia Villar ang pahayag ni Tulfo na mga sakahan ang binibili ng mga property developers.

Ipinunto ni Villar na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking property developer sa bansa, hindi sila bumibili ng agricultural land sa mga probinsya dahil wala namang bibili roon ng bahay.

Ngunit ang paliwanag ni Villar ay hindi tinanggap ni Tulfo.

Dagdag ni Villar, dapat unawain ni Tulfo na ang agrikultura ay isa ring negosyo at kung hindi magtatayo ng mga subdivision ay saan naman aniya titira ang mga tao.

Sa gitna ng pagtatalo ng dalawang senador ay inamin naman nila na sila ay nagkakaintindihan na may problema ang agriculture system ng Pilipinas.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma