Target na ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos na magsagawa ng arrangements sa mga oil-producing countries upang mapagaan ang hagupit ng presyo ng petroleum products sa mga consumers.
Nagsimula ang krisis ng magdesisyon ang Arab oil producers na putulin ang suplay sa Estados Unidos bilang pagpapakita ng military support para sa Israel, nakaapekto sa world prices.
“Lahat ng kausap kong mga ambassadors (All the ambassadors I talked to)… All of them who have a supply of gas, of oil, I already opened the discussion with them. We have to explore everyone,” ayon kay Marcos.
Itinuturing na major crude oil producers sa buong mundo ay ang Estados Unidos, Russia, Saudi Arabia, Canada, at Iraq.
Ang mga ambassadors mula sa iba’t ibang bansa ay nagsimula ng mag-courtesy call kay Marcos.
Sa nasabing briefing, sinabi ni Marcos na nananatling “malaking problema” para sa Pilipinas ang tumataas ang presyo ng langis.
Gayunman, sinabi ni Marcos na walang magagawa ang gobyerno sa bagay na ito.
“We just have to take whatever price we’re getting,” dagdag na pahayag nito.
Malabong pagbigyan ni Marcos ang panawagan na suspendihin ang excise tax sa fuel products, binigyang diin ang hangarin nito na ituon ang pansin na tumulong na sa panganib na mawalan ang mga ito ng kanilang kabuhayan.