KOKO SUPORTADO ANG INAASAHANG PAGIGING CHAIRPERSON Ni ROBIN PADILLA, PINASUSPINDE ANG OIL EXCISE TAX !

Sen. Pimentel, suportado ang inaasahang pagiging chairperson ni Sen-elect Robin Padilla sa Senate Committee on Constitutional Amendments

Suportado ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang inaasahang pagtatalaga kay Senator-elect Robin Padilla bilang chairperson ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.


Bagamat una nang pinahayag ni Pimentel na sasali siya sa Minority bloc ng Senado sa 19th Congress, susuporta pa rin aniya siya kay Padilla sa pagsusulong nito ng Pederalismo.

Matatandaang ang Pederalismo ang isa sa mga campaign promise ni Padilla at ito rin ang dahilan kaya inaasahang ibibigay sa kanya ang chairmanship ng Committee on Constitutional Amendments.

Sinabi ni Pimentel na bilang isa ring believer ng Pederalismo ay umaasa siyang matutuloy ang planong ito dahil kung sakali, ito ang unang pagkakataon na ang magiging chairperson ng nasabing komite ay advocate ng Federalism.

Nangangahulugan aniya ito na matitiyak ng committee chair na uusad ang Pederalismo sa Mataas na Kapulungan.

Giniit rin ng senador na magtatanong pa rin siya sa mga pagdinig ng komite pero magiging ‘supportive interpellation’ naman aniya ang mangyayari.

Nais rin aniya ng mambabatas na maipahatid sa publiko kung ano ang totoong ibig sabihin ng Pederalismo.

Samantala hinihikayat ni Pimentel si PBBM na Suspend excise tax sa oil


Sen. Koko Pimentel calls on the incoming Bongbong Marcos administration to suspend the imposition of excise tax on oil imports. He says he will also file a bill that will remove excise tax on fuel products.

Post a Comment

Previous Post Next Post