PANGULONG DUTERTE MAPIPILITANG MAG ENDORSO, BINANTAAN Si LENI ROBREDO SA PANGAMBANG MANALO ANG CPP BET ! - NEWS REPORT UPDATE

Breaking

Home Ad

Post Top Ad

PANGULONG DUTERTE MAPIPILITANG MAG ENDORSO, BINANTAAN Si LENI ROBREDO SA PANGAMBANG MANALO ANG CPP BET !

Nagbanta si Pangulong Duterte na “mapipilitan” siyang mag-endorso ng kandidatong Pangulo dahil sa pangamba na manalo sa halalan ngayong Mayo 9, 2022, ang mga kandidato ng Communist Party of the Philippines.

Sa kanyang pahayag sa pulong ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Butuan City noong Lunes, Abril 12, 2022, inulit ng Pangulo na wala siyang balak na mag-endorso ng kandidato subalit maaaring “mapilitan” siya dahil sa aktibong paglahok at pangangampanya ng mga operatiba ng CPP pabor sa ilang kandidato.

“Sabi ko noon I will not support any presidential candidate. But if there is a compelling reason to campaign or to endorse a particular candidate, ‘yun ay dahil ayaw ko ‘yung mga komunista maghalo (makasama) sa kanila ngayon,” anang Pangulo.

Aniya pa, lubhang “mapanganib” para sa bansa sakaling makapasok ang mga galamay at operatiba ng CPP sa loob ng Kongreso at gobyerno.

Bagaman hindi niya direktang tinukoy si Vice President Leni Robredo, matatandaan na sa kanyang ulat sa bayan noong Marso 14, 2022, ibinunyag ng Pangulo ang ulat sa kanya ng intelligence community na may binuong “alyansa” ang CPP at Liberal Party ni Robredo upang suportahan ang kandidatura nito.

Sa ulat naman ng National Intelligence Coordinating Agency, batay sa pagbubunyag ng isang dating opisyal ng CPP, na noong Pebrero 27, 2022, nagkaroon ng pagpupulong ang ‘Propaganda Unified Committee’ (PUC) ng CPP sa isang seminary sa Bacolod City kung saan isa sa mga napag-usapan ay ang guluhin ang darating na halalan sakaling manalong pangulo si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong/BBM’ Marcos Jr.

Ayon sa plano ng CPP, “ibibintang” nila ang umano’y mangyayaring dayaan sa araw ng eleksyon sa administrasyong Duterte at sapilitang iluluklok si Robredo bilang Pangulo.

Kinumpirma rin ng mga sumukong matataas na “kadre” ng CPP na si Robredo ang kandidatong pangulo ng CPP.

Sa panayam kay Cristony ‘Jun’ Monzon na sumuko sa 10th Infantry Division ng Philippine Army noong Marso 8, 2022 at dating mataas na lider sa Southern Mindanao Regional Party Committee, “hayagan” nilang napag-uusapan ang kandidatura ni Robredo.

“Nakakaupo ako sa kanilang mga meeting (SMRPC), ang sinusuportahan nila ay si Leni Robredo, ‘yan po ang naririnig ko sa mga meeting, kasama ang matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines,” ani Monzon.

Ang akusasyon na suportado siya ng CPP at mga galamay nito ay mariing itinatanggi ni Robredo.

Subalit, para kay Alma Gabin, “imposible” na hindi alam ni Robredo ang suporta sa kanya ng CPP dahil dumaan ang suporta ng CPP sa sinomang kandidato sa “mahabang proseso.”

Bukod sa isa sa mga nagtayo ng Kabataan Party List, si Gabin ay nagsilbing mataas na kadre ng CPP sa Samar at Leyte at miyembro ng ‘Electoral Struggle Commission ng partido.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad