NAKAHANAP NG KATAPAT TULFO NAKATIKIM NG SERMON KAY PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA ! - NEWS REPORT UPDATE

Breaking

Home Ad

Post Top Ad

NAKAHANAP NG KATAPAT TULFO NAKATIKIM NG SERMON KAY PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA !

“My PAO lawyers, and Public Atty’s Office as a whole is entitled for apology from you,” ani PAO chief Atty. Persida Acosta.
Ito ang iginiit ni Public Atty’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta kasunod ng mga naging banat ni senatorial candidate Raffy Tulfo laban sa PAO.

Sa interview kasi ni Tulfo sa kabilang network kamakailan ay sinabi nito na pagdating sa mga inquest proceeding, ay wala daw nakukuhang abogado ang mga mahihirap mula sa PAO.

“Kapag pumunta ka sa inquest proceedings, mapapansin mo yong mga mahihirap. Wala silang reprensentation from the Public Attorney’s Office,” ani Tulfo.

Sinabi pa nito na aabsent-absent ang PAO at hindi nagpeperform ng maayos kahit mataas ang sweldong tinatanggap ng mga ito.

“There are some cases na ‘yong PAO hindi mo makikita eh. Yong PAO absent, Yong PAO wala roon, although malaki ang sweldo ng mga taga PAO. PAO pasensya na. Magkaibigan naman tayo kung tutuusin. They can’t really perform so I would come in, ang mga voluntary lawyers ko para siguraduhin na mayroon talagang legal representation yong isang suspect kapag inquest,” giit pa ni Tulfo.

Bagay na mariing pinabualaan ng PAO Chief.

Aniya sa taong 2016-2021 ay umabot sa halos isang milyon na mga mahihirap na Pilipino ang kanilang natulungan sa kanilang mga kaso.

Kaya Hirit ni Acosta, nasaan ngayon ang resibo ng akusasyon ni Tulfo.

Saad pa ng PAO chief na ang paninira ni Tulfo ay unfair sa mga abogado ng PAO na hindi tumigil sa pagtratrabaho kahit may pandemya.



Sa ngayon ay mayroong mahigit 2,000 abogado ang PAO.

Maging ang mga mismong PAO Lawyers tulad nila Atty. Jose Noel Hilario at Atty.Adraneda-Filio ay naglabas ng hinanakit kay Tulfo at hindi tanggap ang mga akusasyon ng broadkaster.

Walang katotohan daw ito lalo pat tinatanggap ng PAO ang mga request ni Tulfo para sa mga tinutulungan nito sa kaniyang programa.

Hirit pa ng PAO, mas pahirap sa mga tao na matapos pumila ng mahaba sa program ni Tulfo ay irerefer lang din pala sa PAO gayong pwede naman aniya silang dumiretso sa kanilang tanggapan.

Maliban dito napag-alaman na ang mismong pamangkin ni Tulfo ay sa PAO nagtratrabaho.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad