ISKO MORENO TINAWAG NA MATAPOBRE Si LENI ROBREDO PINAULANAN NG PATUTSADA !

Muling binanatan ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kampo ni Vice President Leni Robredo nang tawagin nitong “matapobre” ang mga ito.
Tugon ito ni Domagoso nang tanungin hinggil sa naging tugon ng bise presidente sa mga nauna niyang patutsada na hindi siya (Robredo) papatol dahil may mga problemang dapat harapin.


“Hindi naman ako nakikipag-away…I’m just stating the facts na bully sila, sila matapobre, maliit ang tingin nila sa amin,” pahayag pa ni Domagoso.

Sabi ng alkalde ng lungsod ng Maynila, mataas aniya ang pagtingin ng kampo ni Robredo sa sarili nila kaya nanghihingi ang mga ito ng withdrawal ng iba pang mga kandidato sa pagka-presidente.

Matatandaang kamakailan ay tinawag din ni Domagoso ang kampo ni Robredo na “BBS” o “Bilib na Bilib sa Sarili” kasabay ng hamon nitong pasinungalingan ni Robredo ang mga akusasyon niyang pinaaatras sila nina Senador Ping Lacson at dating national security adviser Norberto Gonzales.

“I challenge the honorable Vice President Leni Robredo, deny. Deny n’yo na hindi n’yo kami pinaatras, na hindi n’yo pinaatras si Norberto Gonzales, hindi n’yo pinaatras si Senator Ping,” pahayag ng alkalde ng Maynila sa isang panayam kamakaialan.

“Kayo lang ba ang may karapatan tumakbo? Kayo lang ba ang may karapatang maging kandidato sa pagka-Pangulo? Kayo lang ba ang magaling?”

Hinamon pa ni Domagoso ang media na bukod sa tugon ni Robredo na hindi siya papatol sa kanyang mga sinabi, dapat din aniyang tinanong ang bise president kung totoo o hindi ang kwentong pinaaatras siya at ang mga kasama niyang presidential candidates sa press con sa Manila Peninsula noong nagdaang linggo.

Hinamon din kamakaialan ni Domagoso ang tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na tumahimik at sa halip ay pagsalitain ang amo (Robredo) nito.

“Barry tabi ka na sa gedli (gilid). Pasalitain mo amo mo. O baka hindi niya mabasa, kailangan niya teleprompter,” patutsada ng alkalde.

Samantala, sa kanyang Twitter, kaagad na sumagot naman si Atty. Gutierrez. Isang simpleng ‘K’ o maigsing ‘Okay’ at emoticon na smile.

Post a Comment

Previous Post Next Post