WOW ! SEN. GORDON IKINAMPANYA Si CHRISTOPHER BONG GO SA KANYANG LUGAR SA OLONGAPO CITY !

"Tutulungan ko po ang inyong bayan katulad ng pagtulong ko sa Davao."


Ito ang naging mensahe ni Kuya Bong Go sa mga residente ng Olongapo City, Zambales sa kanyang pagdalo sa commemoration ng death anniversary ni Mayor James Leonard Tagle Gordon sa Tappan Park ng Subic Bay Freeport, Olongapo City ngayong araw, February 20.

Si Mayor James Gordon ang kauna-unahang mayor ng Olongapo at itinuturing na “founding father" ng siyudad.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Kuya Bong na isusulong nito ang kapakanan ng mga mamamayan ng Olongapo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ekonomiya at pagpapaganda ng imprastraktura rito. Kapag nakamit ang mga ito, paniguradong mas uusbong ang negosyo at kalakalan sa Olongapo na siyang magbibigay ng dagdag na mga trabaho sa mga residente. Nakikita ring paraan ni Kuya Bong ang pagpapaunlad ng mga probinsya upang ma-decongest ang Metro Manila.

Ibinahagi rin ni Kuya Bong ang ilan pa sa kanyang legislative agenda gaya ng pagpapaganda sa ating education system, pagpapalakas ng ating agrikultura, murang pabahay para sa mga mahihirap, sports development, pagtataguyod sa Magna Carta ng mga barangay officials at pagtatatag ng Department of OFWs.

Sa pagtatapos, binigyang diin ni Kuya Bong na iisa ang layunin at mga pagpapahalaga ng mga residente ng Olongapo at lahat ng Pilipino sa buong bansa. Ang parehong layunin na ito ang magdadala sa atin tungo sa kaunlaran, sa tulong ni Kuya Bong na magsisilbing tulay nating lahat sa Pangulo!

Mas Bago Mas luma