KATULDAD Ni TATAY DIGONG ! BASTE DUTERTE AT BONG GO KINUHA ANG PULIS NA BINIHAG NG N-P-A !


Makahihinga na ng maluwag ang mga pamilya ng ilang sundalo at CAFGU na binihag ng New People's Army matapos ang pagpapalaya sa mga ito ngayong araw, February 19, sa Barangay San Juan, Bayugan, Agusan Del Sur kung saan masaya silang sinalubong ng kanilang mga kamag-anak at nina Kuya Bong Go at presidential son, Baste Duterte.
Image may contain: 3 people
Tiniyak ni Kuya Bong na agad nilang ipaparating kay Tatay Digong ang sitwasyon ng mga napalayang bihag para sa tulong na maibibigay ng gobyerno sa mga ito at sa kanilang pamilya. Papakiusapan din niya ang AFP na hayaan munang makapagpahinga ang mga sundalo upang makabawi sa kanilang mga pamilya pagkatapos ng debriefing nila.
Image may contain: 3 people, people standing and outdoor
Bilang bahagi ng kanyang legislative agenda, naniniwala rin si Kuya Bong na kailangang isulong ang localized peace talks bilang paraan sa pagkamit ng kaayusan at katiwasayan sa bansa. Sa pamamagitan nito, mareresolba ng payapa ang mga hidwaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng grupo sa mga probinsya at kanayunan na siyang magiging pundasyon ng pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.
Image may contain: 4 people, people smiling, outdoor
Hindi matutumbasan ang serbisyo ni Kuya Bong para sa bansa. Hindi lamang ito tumatayong tulay nating lahat sa Pangulo, nagsisilbi rin siyang tulay sa pagkamit natin sa pangmatagalang kapayapaan sa ating Inang Bayan!

Mas Bago Mas luma