
Sa oras na katulad ng karahasang nangyari sa Jolo, Sulu, kailangang magkaisa ang bawat Pilipino lalo na’t kapayapaan at kaayusan ng bansa ang nasa linya.
Agarang pumunta naman sa Jolo sina Pangulong Rodrigo Duterte, Davao Mayor Sara Duterte at Kuya Bong Go ngayong araw, January 28, para personal na masuri ang kalagayan ng mga biktima ng trahedya at masiguradong ligtas ang mga kalagayan nito. Nakiramay din ang tatlo sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagbobomba.
Mamimigay din ng tulong at assistance si Kuya Bong sa mga biktima at mga pamilyang naiwan. Hiniling naman ni Kuya Bong sa buong sambayanan na manalangin para sa mga inosenteng nasawi sa karumaldumal na trahedya. Hinimok din niya na maging matatag ang lahat lalo na’t ginagawa na ng gobyerno ang lahat para mahanap ang mga tao o grupong gumawa nito.
Ang karahasan at terorismo ay walang lugar dito sa Pilipinas at sa kabila ng pagsisikap ni Tatay Digong at ng buong administrasyon na maibigay ang kapayapaan sa Mindanao, mayroong mga grupong gustong sumira nito. Sisiguraduhin nila Kuya Bong at Tatay Digong na mananagot ang mga gumawa nito at mapangalagaan ang hangaring kapayapaan at kaligtasan ng mga Pilipino sa Mindanao.