READ: MAHIGIT APAT NA ORAS NA KWENTOHAN Ni PANGULONG DUTERTE SA BRUNEI - NEWS REPORT UPDATE

Breaking

Home Ad

Post Top Ad

READ: MAHIGIT APAT NA ORAS NA KWENTOHAN Ni PANGULONG DUTERTE SA BRUNEI

By Mocha Uson:
"Pagdating po ni Pangulong Duterte sa Brunei Darussalam around 12 midnight, kahit pagod na ay pinaunlakan niyang magpapicture ang mga sumalubong sa kanyang mga kababayan nating nagtatrabaho sa Villa ng Sultan.
Nakipagkwentuhan at naki-picture pa po siya. At habang akin po siyang bini-bidyo sa malayo (yan po ang trabaho ko po ang i-dokumento ang kanyang ginagawa para sa social media) kanya po akong tinawag.

Diyan na po nagsimula ang aming kwentuhan na higit kumulang 4 na oras. First time ko po makipagkwentuhan sa Pangulo ng ganyang katagal. Ang aming pong kwentuhan kasama po si Sec Dominguez atbp. (not in photo) ay hindi patungkol sa Pulitika, maliban nalang po sa aking pag tanong kung siya ay nanuod ng Senate hearing patungkol sa FAKE NEWS.

Yes, napanuod po niya ng buo. Maging ang paratang ng ilan sa akin ay kanyang napanood. Ang komento lamang po na maaari kong i-share ay yung sinabi niyang malaya pa din akong makapagbibigay ng aking personal na opinyon sa pulitika maging ako man ay isang gov official.
Sa higit kumulang na 4 na oras napagkkwentuhan namin ang kanilang buhay kabataan ni Sec Sonny Dominguez kabilang na dito ang mga konti nilang kalokohan. Si Sec Sonny daw talaga ang matapang at si PRRD daw ay ang mabait sa kanila taliwas sa alam ng karamihan na siya ay bad boy.

Kung meron man akong natutunan sa 4 na oras na iyon ay ito yun- si PRRD ay isang ordinaryong tao lamang. Nasasaktan, nagmamahal, napapagod at minsan ay nanghihina. OPO siya ay tao lamang.

Minsan po tayong mga DDS ay sobrang nakaasa sa kanya para sa ikauunlad ng bayan. Tama naman po yun ngunit dapat talaga natin siyang tulungan. Una sa lahat siya ay ating ipanalangin. 72 years old na po siya at hindi na kasing lakas noong siya ay Mayor pa. Gustuhin man daw niyang magtrabaho ng magtrabaho ay pinipilit niyang makatulog ng 7 hours a day para siya ay magsurvive buong araw. 

Naniniwala ako na si PRRD ay binigay ng Panginoon sa atin (Rom 13:1). Ngunit marami talagang kalaban si PRRD. Mula sa mga Oligarch at Drug Lords nandyan pa rin ang mga pulitikong makasarili at uhaw sa kapangyarihan. PRAYER is the greatest thing we can do for him. 

Ngunit pangalawa, Faith without works is dead. Kaya dapat tayo mismo ay tumulong sa simpleng bagay tulad ng pagiging disiplinado. Nakakainis ang trapiko araw-araw ngunit kung magiging disiplinado lang tayo sa kalsada malaki ang maitutulong nito sa ating bayan. Maaari din natin isumbong ang mga tiwaling opisyal sa ating bayan.

Wag po tayong magpapakain sa sistema. Pag may nakita tayomg katiwalian kesa na magpasailalim tayo dito ay atin itong isumbong. Nandyan na ang ating lider na si PRRD na kakampihan tayo ngunit kailangan niya ng mata sa lahat ng sulok ng Pilipinas.


Pangatlo at ang pinakaimportante ay maging aktibo sa SOCIAL MEDIA dahil ito nalang talaga ang kakampi nating mga ordinaryong Pilipino. Wala na talaga tayong maasahan sa ilang MAINSTREAM MEDIA. Pilit nitong pinapabagsak ang ating bayan.

Puro bad news lang ang nilalabas nila. At pili din ang ibabalita. I-share natin ang mga pinagkakatiwalaan nating mga bloggers para ito ay kumalat. Magkomento sa mga nababasa niyo. Upang malaman ang damdamin ng nakakarami.

Wag po tayong manahimik dahil ang mga troll ng dilawan ay aktibo sa paninira sa ating Pangulo at sa kanyang mga followers sa Social Media.

Sabi nga po niya sa ating interview sa kanya sa Brunei-
“I think, with the help of the Filipino people, I will succeed.”

PANOORIN ANG KAGANAPAN SA PAGBISITA Ni PANGULONG DUTERTE SA BRUNEI



Source: Mocha Uson

Post Bottom Ad

𝐀𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐁𝐈 𝐌𝐎 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐊𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐓𝐎.? 𝐌𝐀𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐊𝐔𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎. 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐁𝐄𝐋𝐎𝐖!