SEN.LACSON NAGSALITA NA KATANGAHANG PARATANG Ni TRILLANES KAY VM PAOLO DUTERTE SA P6.4-B SHABU SHIPMENT GALING CHINA

Bago lumabas ang larawan ng ilang kasapi ng LP na sinasabing kasama si Dong, isang larawan muna ni Paolo ang lumabas din sa social media na nagpapakita na kasama niya ang kontrobersiyal na negosyante.

Ayon kay Trillanes, dapat maghanda si Paolo kung papaano sasagutin ang mga alegasyon na may kinalaman siya sa BOC at mga iregularidad umano sa ahensiya.

“Yung kaniyang involvement sa Customs, operations, yung mga illegal activities diyan, malalim ang tinitingnan natin na anggulo rito. So maghanda siya ng papaano niya ito haharapin at sasagutin,” payo ng senador.
Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na puwedeng "imbitahan" si Paolo sa ginagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon committee tungkol sa shabu shipment, pero walang basehan para obligahin siyang dumalo sa pagdinig.

“Puwede rin tanungin kung i-elaborate ni Mark Taguba at kung may personal transaction directly with Paolo or whoever close to Paolo, puwede tanungin 'yan,” saad ni Lacson.

Una rito, nabanggit ni Mark Taguba sa nakaraang pagdinig ng komite sa Kamara de Representantes, ang pangalan ni Paolo tungkol sa mga opisyal ng BOC na tumatanggap umano ng padulas para mailabas ang mga kargamento.

Dati nang sinabi ni Duterte na magbibitiw siya sa puwesto kapag may makapagpapatunay na sangkot ang anak sa anomalya.

Hinamon din ng Palasyo ang mga nag-uugnay kay Paolo kay Dong na magsampa ng reklamo sa tamang lugar.

"Unang-una, it should be vetted for accuracy and secondly, what are the implications?" ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella.

"I mean, what are apparent implications regarding this matter? But on the whole, if, kung talagang anything serious, then whoever is concerned regarding this matter, then should raise the issue, raise up the issue at the proper venue hindi na iyong paikot-ikot," dagdag ng opisyal
Mas Bago Mas luma