
Nagbibigay po ang Saudi Government ng amnestiya sa lahat ng mga lumabag o lumalabag sa residence permit o work regulation, sa kondisyon na uuwi ka muna sa Pilipinas.
Ibig sabihin po nito ay hindi ka magkakaroon ng derogatory record at maaaring maging eligible ka pa ring bumalik (nang legal) sa Saudi Arabia, maliban na lamang sa may mga police records.
Ayon na rin sa direktiba ni Pangulong Rody Duterte na "pauwiin ang lahat ng Pilipinong gustong umuwi," sasagutin ng pamahalaan ng Pilipinas ang plane fare pauwi ng mga kababayan sa Saudi Arabia na magte-take advantage ng amnesty.
PAKISHARE PO ITO PARA MALAMAN NG LAHAT.
Lumapit lamang sa pinakamalapit na embahada o konsulado ng Pilipinas ON OR BEFORE 24 JULY 2017. Magkakaroon po ng malawakang crackdown sa mga undocumented or illegal residents sa Saudi Arabia matapos ang araw na ito.
Mga friends, NAPAKADALANG ng ganitong pagkakataon. Mag-avail na kayo ng amnesty para (1) malinis ang inyong record, (2) makaiwas sa pagkakakulong sa Saudi, (3) makauwi nang libre at (4) maging eligible sa pag-apply para makabalik uli sa Saudi Arabia.
Ang mga contact details po ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa Saudi Arabia ay:
1. Philippine Embassy in Saudi Arabia (Riyadh)
[Call During Working hours]
Address: Alradaef St, Safarat, Riyadh 11693, Saudi Arabia
Hoteline: +96611-482-3816
Consular Issues: 482-3559 , 482-0507, 482-1577
2. Philippine Consulate General in Jeddah
Address: 9060 Umm Al Qura, AR Rihab District, Jeddah 23345, Saudi Arabia
Hotlines: 0555219613, 0555219614.
Email : pc.jeddah@gmail.com