
Ano nga ba ang martial law?
Galing sa salitang "martial" na nangangahulugang "military," kapag nag deklara ng martial law, ang pag enforce ng batas, na gawain ng pulis ay ginagawa rin ng militar.
Ayon sa saligang batas, ang pangulo ay maaaring mag deklara ng martial law kapag may invasion o pinasok tayo ng mga dayuhan na may intensyong ipasailalim tayo sa kanilang lakas. Maaari rin ito kapag may rebelyon, In both cases dinedeklara lang kapag kinakailangan para sa kaligtasan ng publiko.
48 na oras matapos ideklara, kailangan ng Pangulo mag report sa Kongreso ukol sa naturang deklarasion. Maaaring personal or nakasulat ang nasabing report.
Maaaring mag-convene ang Kongreso sa loob ng 24 oras para mag botohan para bawiin ang deklaration. Ang kailangang boto ay majority ng magkasaling dalawang kamara.
Kung umpisahan ng Pangulo, maaari ring pahabain pa ang effectivity ng deklarasyon lampas sa 60 days kung sasangayunan ng Kongreso. Ang botohan nito ay pareho ng sa pag bawi ng deklarasyon.
Hindi po automatic na ma suspendi ang writ of habeas corpus kapag dineklara ang martial law.
Tags
Local News