NO MORE LIBERAL PARTY! Liberal Party Senators sinibak sa Senate Chairmanships



Liberal Party Senators sinibak sa Senate Chairmanships


Manila, Philippines - Tinanggal ang mga Senador ng Liberal Party sa mga komiteng hinahawakan nila sa senado.


Sa sesyon ng senado, nag- manifesto si Senador Manny Pacquiao na tanggalin ang committee chairmanship nina Senador Franklin Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros'


Pinalitan ni Senador Ralph Recto si Drilon bilang Senate President Pro-Tempore,si Senador JV Ejercito naman ang bagong Health Committee Chair Person kapalit ni Hontiveros.


Si Senador Chiz Escudero naman ang papalit kay Aquino bilang Education Committee Chair Person, habang si Senadora Cynthia Villar naman ang uupong Agriculture Committee Chair kapalit ni Pangilinan.


Nauna ng tinanggal kay Sen. Leila De Lima ang committee on justice nitong nakaraang taon,

Sa pagkakatanggal sa mga pwesto ay bumaba sa minorya sina Drilon, Aquino, Hontiveros at Pangilinan, kasama si Sen. Antonio Trillanes IV na pansamantalang pinuno nila.


Inaasahan din na magiging miyembro ng minorya si De Lima ngunit kinakailangan itong marinig mismo sa kaniya mula sa kulungan niya sa Camp Crame.



NO MORE LIBERAL PARTY! SEN.PACQUIAO TINANGGALAN NG PWESTO SA SENADO ANG MGA TGA "LP" LIBERAL PARTY!

Previous Post Next Post